Abante Tonite Interactive

Ilang media nagmamaktol walang pagkain, inumin

427

May ilang naghihimutok dahil wala anilang pagkain at inumin na inilaan sa media sa MOA Arena, ang venue ng basketball sa PH 30th SEA Games 2019.

Nagsimula na Miyerkoles ang mga bakbakan sa hard court.

Sa mga torneo na pinangasiwaan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, may food and drinks para sa media.

Pero bago sisihin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o Phisgoc, dapat ding malaman na wala ring pagkain sa iba pang venues ng Games.

May sumagot na sa venue na napuntahan nila, pahirapan pati paghingi ng tubig.

“Buti na lang may media center,” natatawang pahayag ng isang nag-cover ng Gilas game kontra Singapore.

Sa Sub-Press Center sa kalapit na World Trade Center sa Pasay rin, tatlong beses maghapon kung maghain ng pagkain ang catering service.

Unli pa ang coffee at drinks.

Kailangan lang mag-register bago makakuha. (VE)