Abante Tonite Interactive

Ilang men’s food supplement nakakamanhid, nakakapanikip ng dibdib

0 194

Boys, makinig kayo!

Mag-ingat sa mga ini-intake na men’s supplement dahil ilan sa mga ito’y nadiskubreng mapanganib.

Nag-ugat ang isyu matapos warning-an ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko hinggil sa ilang men’s food supplement na nadiskubreng nagpositibo sa Tadalafil, isang uri ng gamot para sa erectile dysfunction at panghihina ng mga lalaki.

Lumitaw na isang sample mula sa Bravo male supplement, na may lot number NU1Y617 at mag-e-­expire sa Marso 26, 2019 ang nagtataglay ng Tadalafil.

Bukod sa Bravo ay nagpositibo naman sa Nortadalafil ang MS male tablet her­bal ­dietary supplement, na may manufactu­ring date na Pebrero 20, 2017 at expiration date na Pebrero 19, 2021. Ang Nortadalafil ay isang analogue compound ng Tadalafil.

Ayon sa FDA, ang mga naturang gamot na ginagamit sa food at dietary supplements ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. Kabilang sa mga side effect ng Tadalafil ay ang mga sumusunod:

Pananakit ng ulo, indigestion, stuffy or runny nose, flushing, mahinang pandinig o biglaang pagkabingi, hirap sa paghinga at minsa’y may tunog sa tainga, pamamanhid, paninikip ng dibdib, panginginig ng kamay, leeg o panga, pamamanhid, pananakit ng likod, pananakit ng kalamnan, panlalabo ng paningin at pagkahilo.

Kaugnay nito’y iti­nanggi naman ng Kauffman Pharma, ang manu­facturer ng Bravo, na gu­magamit ito ng Ta­dalafil kung saan sa kasalukuyan ay nakikipag-coordinate na sa FDA ang naturang kompanya.

Para sa mga nakabili ng nasabing dalawang food supplement, mangyaring makipag-ugna­yan sa FDA sa 857-1900 (local 8105), o mag-email sa foodsafety@fda.gov.ph.