Abante Tonite Interactive

Ilang oras matapos alisin ang travel ban: Pinay sa HK may virus

453

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na isang Pilipinang domestic worker ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) kahapon.

Agad naman umanong nagpadala ng team ang consulate general sa ospital kung saan dinala ang Pinay DH upang alamin ang kondisyon nito.

Tiniyak naman ng Philippine government na kanilang ipagkakaloob ang lahat ng tulong at kinakailangan ng Pinay.

Nabatid na ngayong araw ay inalis na rin ng Inter-Agency Task Force on Emerging infectious Diseases (IAFT-EID) ang temporary travel ban sa Hong Kong at Macau, partikular sa overseas Filipino worker (OFW) para makabalik na sa kani-kanilang trabaho.

Umaabot sa 210,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Hong Kong at 32,000 sa Macau. (Dolly Cabreza)