Abante Tonite Interactive

Ilang paniniwala tungkol sa itim na pusa

By
376

Moderno na ang panahon ngayon pero may ilan pa ring naniniwala sa mga pamahiin. Mga paniniwalang ipi­namana ng ating mga ninuno na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin ng ilan gaya ng ‘itim na pusa’.

Ngiyaw! Tama po. Hanggang ngayon, may mga naniniwala pa ring may hatid daw na malas ang pusang itim.

Natatak na sa isip natin ang kasabihang ‘ang pusa ay may siyam na buhay’ kaya ‘pag ito ay iyong pinatay ay maaari ring umabot ng siyam na taon ang kamalasang darating sa iyong buhay.

Pag-aalis ka nga raw at nakasalubong mo ang itim na pusa o tumawid ito sa iyong daraanan ay bumalik ka na lang sa iyong bahay. Hudyat daw kasi ito na may mangyayari umanong masama sa ‘yo kapag ikaw ay tumuloy.

Sa panaginip nga lang ay nagri-represent daw ito ng bad luck at misfortune.

Ang iba nama’y naniniwala na bubuhos daw ang ulan kapag may nakita kang basang pusa.

Sa bansang Netherlands, natatak din sa kanila na ‘wag ka raw magsasabi ng iyong mga pina­katago-tagong sikreto kapag nasa paligid mo ang pusa dahil siguradong kakalat ito antimano.

May mga naniniwala ring kapag namataan mong nililinis ng pusa ang kanyang sarili ay maghanda ka na ng pagkain dahil may bisita kang darating.

Sa kabila naman ng mga negatibong pamahiin sa itim na pusa ay may positibo din itong hatid dahil kapag ito raw ay bumahing, siguradong may pagpapalang darating.

Ang paksang ito ay walang pinapanigang sekta o relihiyon. Ibi­nabahagi lamang ang ilang paniniwala o pamahiin na bunga ng malikot na isipan ng ilang tao na puwedeng sundin at balewalain depende sa inyong paniniwala.