Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang pulis matigas sa face shield

0 100

Pinagpapaliwanag ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) kung bakit ang ilan nitong pulis ay hindi nakasuot ng face shield habang nagpapatupad ng quarantine protocols.

Ito ay matapos na mag-viral ang video na makikita ang isang pulis sa QCPD Station 16 na nagbibigay ng resibo ng ordinance violation dahil walang face shield pero ang mismong pulis na kausap ay hindi rin naman nakasuot ng face shield.

Hindi rin pinansin ng nasabing pulis ang reklamo ng kanyang tiniketan na siya mismo ay lumalabag sa ordinansa.

Dahil dito, inatasan ni Eleazar na magpaliwanag sa kanya ang commander ng nasabing istasyon kung bakit ang tauhan nito ay lumalabag din sa COVID-19 protocol. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.