Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilang senador pabor gawing MGCQ buong bansa

0 49

Bukas ang ilang senador sa panukalang ilagay ang Pilipinas sa modified general community quarantine (MGCQ) subalit umapela ang mga ito na komunsulta sa mga health expert.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, wala siyang nakikitang mali sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority subalit dapat bigyan ng halaga ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang opinyon ng mga eksperto tungkol dito.

“Yes, we support that with the usual health protocols like wearing of masks and social distancing. Malls and schools must be extra vigilant to avoid being super spreaders of the (COVID-19) virus,” ayon naman kay Senador Sonny Angara.

Sumang-ayon din si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa panukalang ito dahil ang Pilipinas na lang aniya ang nagsusuot ng face masks at face shield sa paniwalang nakakabawas ito sa pagdami ng kaso ng virus.

SM food to go Banner Ad

“Hence with mask and shield requirements we should feel confident about resuming our lives,” ani Pimentel.

“However since COVID-19 is a ‘disease of crowds,’ all regulations must never encourage the gathering of crowds,” punto pa ni Pimentel. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.