Abante Tonite Interactive

Ildefonso, San Miguel tinakda ang rambol sa titulo vs Alaska

284

Mga game sa July 8:
(Smart Araneta Coliseum)
6 p.m. – Ginebra vs Purefoods
(Battle for third)
8 p.m. – San Miguel vs Alaska
(Championship)

Gaya ng inaasa-han, naihulma ng San Miguel Beer at Alaska Milk ang winner-take-all title showdown nang kunin sa isang bigwasan lang ang magkahiwalay na mga karibal nitong Linggo sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff semifinals sa Pasig City Sports Center.

Sinandalan ng Beermen ang troika nina two-time MVP Danilo Ildefonso, Francis Adriano at Donaldo Hontiveros upang muling ngasabin ang Purefoods Hotdogs ni four-time MVP Alvin Patriomonio, 79-70, samantalang sa solidong laro nina two-time MVP Willie Miller at Jeffrey Cariaso ku-malasag ang Milkmen upang matagay rin ulit ang Gin Kings, 84-69.

Parehong may twice-to-beat advantage ang SMB at AM laban sa PH at GSM patungo sa laro dahil sa pagsakop sa 1-2 puwesto ng single round robin prelims kung saan may 3-0 Beermen at 2-1 ang Milkmen. May 1-2 ang Gin Kings at 0-3 ang Hotdogs.

Nakatakda ang face-off sa event na binabalikat ng UNTV sa pamamagitan ng kanilang pangulo at CEO na si Dr. Daniel Razon sa darating Hulyo 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Dinagdag ni Razon na ang combined prizes ng torneo ay nagkakahalaga ng P2M.