Abante Tonite Interactive

Iligal: Chinese clinic sa Makati pinadlak

274

Ipinasara ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang isang Chinese clinic na umano’y iligal na nag-ooperate sa naturang lungsod.

Ayon sa Makati Business Permit and Licensing Office (MBPLO), alas-11:00 ng gabi nang isilbi ang closure order sa pangunguna ni Bert Pagente, hepe ng MBPLO sa may Sampaloc St., Brgy. San Antonio matapos na lumabag ang may-ari nito sa City Ordinance No. 2004-A-025.

Ito ay matapos na mapatunayan na nag-ooperate ang klinika ng walang business permit o mayor’s permit.

Patuloy namang ina­alam ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing klinika dahil nang ipaskil ang closure order ay wala nang tao at nakasarado na ito. (Armida Rico)