Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iligal haybol sa paligid ng NBP, winalis

0 219

Nagsagawa ng demolisyon ang Bureau of Corrections Security and Escort Command (BSEC) sa mga iligal na mga bahay at istraktura na nakatayo sa 50 metrong sakop ng security fence ng Gate 1 ng New Bilibid Prisin (NBP) Reservation sa Muntinlupa City.

Ang operasyon ng demolisyon ay iniutos ni Bucor chief Gerald Bantag.

Base sa Facebook post ng Bucor, sinabi ni Bantag na ang kanilang aksyon ay upang mapalakas at mapangalagaan ang seguridad ng pambansang piitan. Bukod pa dito ang planong pagpapatayo ng mga panibagong imprastraktura sa mga lupang nasasakupan ng BuCor para masolusyunan ang siksikan sa loob ng mga kulungan.

Matatandaang nitong nakaraang taon ay nagsagawa din ng demolisyon ang Bucor sa mga makeshift house at mga barong-barong sa paligid ng Camp Bukang Liwayway, NBP. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.