Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iligal na bentahan online pinababantayan

0 156

HINDI lamang ang mislabelling sa isang beauty product sa Binondo sa Maynila kung saan nakalagay na address ay Manila, Province of China ang dapat tutukan kundi maging ang mga ibinebenta sa online.

Sa ngayon ay maraming online sellers ang namamayagpag kung saan inilalako ng mga ito ang iba’t ibang
pagkain, hanggang sa mga gamit, gadgets at damit.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho “Koko” Nograles may mga sapat na batas laban sa tinatawag na “mislabelling.”

“Existing laws are sufficient at the moment. The whole “Manila Province” issue proved that laws and penalties are in place, so as long as these are enforced,” pahayag ni Nograles.

Pero sa ngayon, ang mas tutukan dapat ay ang proteksyon ng mga consumers sa mga online products.
“If there’s any legislative effort needed, it would be online consumer protection by required registration,” dagdag ni Nograles.

Nagsalita na ang Bureau of Internal Revenue na dapat ay magparehistro ang mga online sellers para sa proteksyon ng consumers.

Matatandaan na ibinunyag ni Nograles na isang paghamak ang ginawa na paglalagay na Province of China ang Manila, sa packaging ng isang beauty product.

Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ), Department of Trade and Industry (DTI), at Bureau of Immigration (BI) ang mislabelling na ito.

Maging si Manila Isko Moreno ay nagbabala na rin na ipasasara ito dahil sa nangyari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.