Abante Tonite Interactive

Iligal na droga lumaganap sa Baguio

By
1,724

Tumaas sa 24 barangay ang apektado ng iligal na droga sa Baguio City kumpara noong isang taon na umabot lang ng 18 barangay, ayon sa datos ng Philippine Drugs Enforment Agency-Cordillera (PDEA-Cor) at ng Regional Committee on Illegal-Drugs (RCID).

Dahil dito, sinabi ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na iim­bestigahan ng Baguio City Police Office (BCPO) at PDEA-Cor para malaman ang dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng barangay na apektado ng iligal na droga.

Samantala, wala sa kanyang opisina si BCPO commander Sr. Supt. Ramil Saculles nang tawagan Abante Tonite para sa kanyang komento hinggil sa paglaganap ng droga sa tinaguriang ‘Summer capital of the Philippines’.