Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iligal na droga ng NPA tutuldukan ng PNP para sa IP

0 95

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na tatapusin nila st lilipulin ang iligal na droga.

Tiniyak din nitong poprotektahan nila ang mga Indigenous People (IP) o mga katutubo sa mga kriminal na gawain ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kabilang ang pagtatanim ng marijuana sa mga lugar ng mga katutubo.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC),
Sinabi ni PNP Directorate for Operation Chief, Major General Rhodel Sermonia sa virtual balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict na pinag-uutos ni PNP Chief, Police Director General Guillermo Eleazar na bigyan ng espesyal na atensyon ang mga IPs na laging sinasamantala ng mga Communist Terrorists Groups (CTG).

“CPP-NPA ay wala ng prinsipyong pinaglalaban ngayon, unlike years or decades ago. They are more into criminal activities ngayon, para sila ay magka-pera,” ani Sermonia, na idinagdag pa na ipinag-utos din ni Eleazar ang paglalagay ng mga ‘IP Desk’ sa mga regional at municipal police headquarters o stations upang bigyang proteksyon at matugunan ang pangangailangan ng mga katutubo.

Binigyang din ni Sermonia ang kahalagahan ng mga IP ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang National Indigenous People’s Month at ang ika-24 na anibersaryo ng pagsasabatas ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA Law.

“I know and I am confident that we can have a strong finish against illegal drugs, same as our fight against communist terrorism, until the President finish his term. Ang Tapang at malasakit ng ating Pangulo ay ramdam na ng ating mga kababayan, kaya may happy ending tayo,” ang sabi ni Sermonia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.