Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iligal na reclamation project sinalakay ng NBI

0 102

Nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) Environmental Crime Division ang isang umano’y iligal na reclamation project, sa Kawit, Cavite kung saan tinabunan ang isang bahagi ng ilog at sinira ang mga bakawan.

Binitbit ng NBI ang tatlong suspek na nag-ooperate ng mga heavy equipment sa Ylang-Ylang river. Hindi muna pinangalanan ang kumpanya na nag-ooperate ng naturang reclamation dahil isinasailalim pa ang mga ito sa interogasyon.

Nalaman kay Atty. Eric Nuqui, hepe ng NBI-Environmental Crime Division, na natuklasan nilang walang permit mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang kompanyang nasa likod ng proyekto.

SM food to go Banner Ad

Nakita sa mga larawan na kuha pa noong 2016 ng mga residente kung saan malaya pa ang pagdaloy ng tubig sa Ylang-Ylang River at malalago ang mga bakawan.

Gayunman, sa kuha ng aerial drone, makikita na halos isang ektarya ng bakawan ang nasira at tinabunan na ng lupa ang ilog. Sinabi ng NBI na masama ang epekto ng pagtabon sa ilog dahil maaaring magresulta ito ng pagbaha sa Kawit at mga karatig-bayan dahil sa wala nang pupuntahan ang tubig.

Inihahanda na ng NBI ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naaresto at mga nasa likod ng iligal na reclamation. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.