Abante Tonite Interactive

Illegal Chinese deport agad sa POGO crackdown

0 134

Hindi na papayagan ng Department of Justice (DOJ) ang mga dayuhan na nakabinbin ang deportation case na manatili ng isang buwan sa bansa habang inaapela ang kaso.

Isiniwalat ni DOJ spokesman Markk Pere­te na base sa bagong patakaran na kanilang ginagawa, kailangang umalis sa bansa sa loob ng 30 araw ang isang dayuhan para naisyuhan ng deportation order ng Bureau of Immigration (BI).
Ang bagong patakaran ay alinsunod sa Administrative Code ng DOJ, ang Omnibus Rules and Regulations on Appeals on Immigration.

“These rules will take effect after 15 days,” ani ni Perete.

Maaari namang ma­kabalik ang isang dayuhan sa Pilipinas kung ang apela nila sa deportation ay pinaboran ng DOJ.

“We hope to complete our study and re­commendation on the draft proposal within the month,” saad ni Perete.

Ginawa ang pag-aaral dahil sa pagbuhos ng mga Chinese national sa bansa na inaabuso ang visa upon arrival scheme. Karamihan sa mga Chinese ay nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). (Nancy Carvajal)