Abante Tonite Interactive

Illegal POGO pinasara ng BIR

297

Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue ang Synchronization Anywhere For You Inc. (SAFYI) na isang Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO) sa Eastfield Center sa Pasay City dahil sa hindi pagbabayad ng P114 mil­yong franchise tax.

Ang SAFYI ang kaunaunahang POGO na ipinasara dahil sa hindi pagbabayad ng 5% franchise tax.

Sinubukang ipasara ng BIR ang SAFYI kahapon nang umaga ngunit hindi ito natuloy ngunit isinagawa ito kahapon nang hapon pagkatapos ng isang tax mapping operation.

Ang SAFYI ay may tanggapan sa Eastfield Center sa Pasay City.

Nag-tax mapping ang BIR sa buong building ng Eastfield Center kahapon nang maunsyami ang pagpapasara sa SAFYI noong umaga.

Ayon sa BIR, 5% ng kabuuang kita ng gaming operations ang dapat na binabayad na franchise tax ng gaming operations franchise holder sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 102-2017. (Eileen Mencias)