Abante Tonite Interactive

Illegal recruiter nakorner sa POEA

By
244

Nahuli sa ikinasang Oplan: Pagtugis ang isang babaeng illegal recruiter matapos maispatan sa loob ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kahapon nang tanghali sa Mandaluyong City.

Agad na isinagawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang entrapment operation at Oplan: Pagtugis laban kay Elaine Lantud y Taccad, nasa hustong gulang at residente ng Pena Blanca, Cagayan Valley.

Inaresto si Lantud bandang ala-1:15 Huwedes nang tanghali sa loob ng tanggapan ng POEA Building, Ortigas Avenue cor EDSA, Mandaluyong City matapos makatanggap ng tawag ang mga tauhan ng CIDG mula kay Atty. Geraldine Mendez, Chief Prose­cution Division, ng POEA at ipi­naalam ang presenya ng suspek sa bisinidad.

Sa dalang bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Felicitas O Laron-Cacanindin, Presiding Judge, RTC National Capital Judicial Region, Branch 17, Manila inaresto ang suspek sa kasong Illegal Recruitment na isinampa noong Hunyo 17, 2015 at walang ini­rekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong ang illegal recruiter sa tanggapan ng CIDG.