Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Illegal recruiter sinugod ng 40 aplikante pa-New Zealand

0 309

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang illegal recruiter na nakapambiktima ng may 40 katao na pinangakuan ng trabaho sa New Zealand pero matapos makuha ang tig-P15,000 placement fee ay hindi na nagpakita, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Pinipigil ngayon sa MPD-General Assignment and Investigation Section, ang suspek na si Efipanio Supapa, 66, ng 137 Daang Bakal St., Ampid 1, San Mateo Rizal.

Nabatid kay P/SSg Patrick Gregorio, alas-6:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isang fastfood sa Malate.

Isa sa mga biktima ang nakakita sa suspek kaya kaagad nagsumbong sa pulisya na ikinaaresto nito.

Sa tanggapan ng GAIS, sumugod ang may 40 katao na nabiktima ni Supapa.

Sa reklamo ng mga biktima, pinangakuan umano sila ng suspek ng trabaho sa pabrika sa New Zealand at hiningan ng tig-P15,000 sabay tago nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.