Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Illegal ukay-ukay sinamsam

0 113

Bilang bahagi ng pinaigting na mga pagbabantay ng Bureau of Customs’ (BOC) sa mga hangganan, nakumpiska ng Port of Cagayan de Oro noong October 16, 2020 ang mga ukay-ukay o used clothing items na iligal na ipinarating sa Mindanao Container Terminal (MCT).

SM food to go Banner Ad

Nahuli ito ng pinagsanib na puwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Services (ESS) at Assessment Division sa naturang puwerto.

Ang kargamento ay naka-consign sa isang Humility Trading na dumating noong October 13, 2020 galing ng Korea. Idineklara itong naglalaman ng mga kumot, unan at mga laruan ngunit kalaunan ay natuklasang naglalaman ng mga nagamit na mga damit o kilala rin bilang ukay ukay.
Tinatayang nasa 400 bundle ng ukay ukay na nagkakahalaga ng P2 milyon. Agad na naglabas ng alert order si District Collector John Simon laban sa naturang kargamento upang maiwasang makalabas ito. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.