Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Illut ika-4 na tigasing Pinoy marathoner

0 115

Si Leonardo Illut ang lumilitaw, para sa TP, na ikaapat na tigasing marathon runner o marathoner ng ‘Pinas.

Isinilang noong Setyembre 21, 1956 sa Cebu, naging pambato siya ng mga Pinoy sa 23rd Summer Olympic Games 1984 sa Los Angeles, USA.

Siya ay tumapos sa ika-77 puwesto sa 78 finishers (may 29 ang nag-did not finish o DNF) sa tiyempong 2 oras, 49 na minuto at 39 na segundo.

Naghari din si Illut sa 10th National MILO Marathon Finals 1983 sa 2:33:22 clocking.

Hindi nakalahok ang sundalong mananakbo sa Asian Games, Asian Marathon Championships, at Southeast Asian Games.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang ang tatlong palaro na basehan ko sa pagkakapili ko sa unang tatlong puwesto binigay ko kina Eduarto Buenavista, Roy Vence at Herman Suizo.

Sa pagkakaalam ko po, hindi pa rin nalulutas ang pagpaslang sa sundalong mananakbo sa Mandaluyong Cockpit may ilang taon na ang nakakalipas.

***

Hanggang sa susunod pong Martes mga ka-Abante TONITE .

Sa mga nais pong magtanong o magkomento, mag-email lang po kayo sa ramilcruz2003@gmail.com at ramilcruz2003@yahoo.com.

Dalangin kong matapos na rin ang Covid-19 sa buong mundo. God bless us all!

Leave A Reply

Your email address will not be published.