Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilocos Laro’t Saya babalik na

0 81

Sama na rin ang Ilocos Sur sa muling pagbabalik ng Philippine Sports Commission (PSC)-Laro’t-Saya sa Parke, Play and Learn Sports for Free na sisimulan ngayong Martes, Disyembre 7 sa Bicentennial Park, Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur.

Ikinatuwa Lunes nina Ilocos Sur sports director Marius Cabudol at PSC regional coordinator Edwin Espiritu Llanes ang muling pagdaraos ng grassroots sports development at community physical fitness na para sa mga kabataan at buong miyembro ng pamilya.

Ituturo sa mga kalahok ang taekwondo, karatedo, pencak silat, table tennis, arnis, sepak takraw, chess at zumba simula sa alas-4:00 ng hapon tuwing Huwebes-Linggo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.