Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilocos nagpasaklolo sa pagsipa ng COVID case

0 55

“Umaapaw na mga ospital namin!”

Ganito inilarawan ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson ang sitwasyon nila ngayon doon, sabay apela sa national go­vernment ng dagdag na mga COVID-19 vaccine.

“We do get vaccines from DOH (Department of Health), but the numbers are not enough, lalo na ngayon dumating na ‘yong surge sa Ilocos Sur. Talagang umaapaw na mga ospital namin,” ani Singson kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa pulong sa House Committee on Economic Affairs.

Inamin ni Singson na kinailangan nilang isara ang provincial hospital sa ibang pasyente dahil tanging mga may COVID-19 na lang mula ang gagamutin.

Tumaas kasi ang bilang nila ng nahawa sa Delta variant pero halos wala silang natatanggap o kakaunti lang aniya ang ibinibigay na tulong ng pambansang gobyerno.

Kahit aniya sinaad ng DOH na mula 3 hanggang 6 buwan ang proteksiyon ng bakuna ay makatuwiran ang takot ng mga residente gayong 11 na ang kumpirmadong kaso ng Delta sa kanila.

Pumirma na aniya ang Ilocos ng tripartite deal na bumili ng Sinovac bakuna pero wala pang pirma ni Galvez. “Walang feedback from the national government, so we’re at a loss. We don’t know what to do.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.