Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilocos Sur judge lumutang sa dagat

0 134

Todas na nang makitang palutang-lutang sa dagat sa parte ng Barangay Sabangan, Sinait, Ilocos Sur kamakalawa ang isang babaeng hukom ng korte.

Ang biktima ay kinilalang si Judge Geraldine R. Del Rosario, 43, may asawa, presiding judge ng Municipal Trial Court Sinait, at residente ng Barangay Paratong ng nasabing bayan.

Sa report ng Sinait Police Station, isang mangingisda ang nakapansin na may palutang-lutang sa nasabing katubigan at noong lapitan niya ito ay nadiskubre niya ang katawan ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, agad na dinala si Del Rosario sa Ilocos Sur District Hospital sa Sinait ngunit siya ay dineklarang dead-on-arrival, ayon sa mga rumespondeng doktor.

Nabatid na kahapon nang madaling-araw huling nakitang buhay ang biktima nang siya ay makitang lumabas ng bahay.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa kung paano napunta sa dagat ang hukom at kung ano ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.