Abante Tonite Interactive

Ilog sa Cebu positibo sa polio virus

321

Nagpositibo umano sa polio virus ang mga kinuhang samples sa Butuanon River sa Cebu.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) dahilan para masusing i-monitor ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) ang vaccination program sa lugar.

Kasabay nito, kinumpirma ng DOH na nasa 17 na ang kaso ng polio sa bansa at ang pinakahuli ay naitala sa ­Nueva Ecija.

Ang pinakahuli ay isang taong ­gulang na batabg lalaki mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nabatid na ang bata ay nagkaroon ng lagnat at biglang panghihina ng ­kaliwang mababang limb.

Gayundin, inaasistihan ng DOH ang mga siyudad ng Cabanatuan at Mandaue para mapalakas ang kanilang Acute Flaccid Paralysis surveillance kasama na ang kanilang identification at reporting mechanisms.

“It is important that we are able to timely detect any acute onset of paralysis in children – especially within our communities. We have evidence that the poliovirus continues to spread. Our aim is to promptly diagnose and treat all possible polio cases,” ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III.

Nabatid na patuloy ang implementasyon ng DOH sa Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) campaign sa National Capi­tal Region (NCR) at lahat ng rehiyon sa Mindanao. (Juliet de Loza-Cudia)