Abante Tonite Interactive

Iloilo mayor dismayado sa DepEd, DILG

337

Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Department of Education (DepEd) at Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa marami aniyang hinihinging papeles para magamit ang Iloilo Central Elementary School (ICES) bilang isolation facility sa mga pinaghihinalaang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nabatid na humihingi ng ang dalawang kagawaran ng memorandum of agreement sa pamahalaang lungsod para sa nasabing proyekto.

Dahil dito, nagpasya na lamang si Treñas na ilipat ang pitong person under investigation (PUI) at isang person under monitoring (PUM) mula sa ICES at dinala sa isang pribadong eskwelahan na nag-alok ng kanilang gusali bilang pansamantalang isolation facility.

Ikinalungkot ito ng alkalde dahil ngayon pa aniya nangyari kung kailan nahaharap sa public health emergency ang bansa.

Hindi maintindihan ng alkalde kung balit kahit pansamantala ay luwagan ng DepEd at DILG ang kanilang paper requirements.

Habang hinihintay pa ang kanilang COVID-19 test result, kailangan umanong ilagay muna sa isolation facility ang mga PUI at PUM para na rin sa pag-iingat.

Pinasalamatan naman ni Treñas ang University of Iloilo-PHINMA at ang Sta. Maria Catholic School dahil sa pagpapagamit sa mga pasilidad. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad