Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iloilo naghahanda sa bakunahan ng mga chikiting

0 255

Naghahanda na ang Iloilo City government ng listahan ng children population nito hanggang sa mga 12-anyos para sa posibleng pagkakabilang ng mga ito sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

Inatasan na ni Mayor Jerry Treñas ang City Population Office na tukuyin ang mga residenteng edad 12 hanggang 17 at tiyakin na ang consent ng mga magulang ng mga ito.

Magugunitang binanggit ni vaccine czar Carlito Galvez na binabalak nilang simulan ang adolescent vaccination sa katapusan ng Setyembre o sa Oktubre, depende sa suplay at sa go signal ng mga eksperto.

Pinayagan na rin ng Food and Drug Administration ng Pilipinas ang hiling ng Pfizer na payagang magamit ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga 12 taong gulang pataas sa batayan ng emergency use.

Sa Pilipinas at abroad, marami nang kabataan ang sapol ng coronavirus. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.