Abante Tonite Interactive

Ilong ni Jenine umusok sa V-Date nina Elmo at Janella

2,809

HALOS malusaw sa kasiyahan si Janella Salvador sa sorpresang inihanda  ni Elmo Magalona para sa kanilang Valentine’s Date.

Nagpasiklab nang todo si Elmo sa kanyang leading lady sa pelikulang “My Fairy Tail Love Story.” Pinaligiran ng young actor ng mga red heart shaped balloons ang rooftop ng isang building.

@superjanella, “I wish I could have planned a better Valentine’s day celebration for us but this is all I could come up with today”.  There is nothing to feel sorry about, meow, because you just gave me the best date ever and I am the happiest girl.”

Abante Hiring – IT dep

Nag-comment naman si Elmo ng “I’m so lucky”.

Sa Instagram post naman ni  Moe makikita ang  larawan na magkayakap silang dalawa ni Janella habang hawak nito ang red rose na nasa plastic wrap.

elmomagalona, “For a very busy princess deserves all the love (red heart icon) in the world. Happy Valentine’s.”

Siguradong uusok  na naman ang ilong ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio sa eksenang ito  ng dalawa.

Suspetsa ng showbiz na si Moe ang pinatatamaan ng mga rant ni Jenine sa kanyang social media account. May tsismis na hindi siya boto kay Elmo para sa anak.

Wala pa namang inaamin sina Janella at Elmo sa status ng kanilang relasyon. Itinanggi ng young actress na magkasintahan na silang dalawa.

Pero ang kanilang  Valentine’s date  ay isang patunay na may namumuong romantic relationship na sa dalawa.

KC may bagong kinahuhumalingan

MAY bagong pinagkakaabalahan si KC Concepcion na bubulaga na lang sa social media. Balitang ilo-launch na ito sa market.

Isang jewelry self-design ang nakakahiligan ngayon  ni KC.

Naka-post sa Instagram account ni KC ang isang black & white photo ng isang alahas na hawak-hawak ng isang jewelry maker.

@itskcconcepcion “Voulez-vous rever ‘Avec Moi”? Come dream with me as I create an ode to Paris, The City of Love where I grew as a teen into my adult years. Launching something soon! So, excited!! Limited edition.  By-invite only. Handcrafted. Designed by yours truly. #Kacepirations #KCPassionProjects”.

Nauna nang inilunsad ni KC ang isa niyang cause-oriented business, ang “KC’s Closet” at ang sumunod naman ay itong jewelry.

Ibig sabihin nito, mukhang matatagalan pa bago tuluyang bumalik sa showbiz si KC  dahil  nahihilig siya sa pagtatayo ng kanyang negosyo.

Well, kung ang ibang mga stars  ay nagpapakapagod para kumita lang sa pag-aartista, si KC naman ay nag-i-enjoy na  tumulong sa mga nagugutom na mga bata sa buong mundo, ang mag-travel at magtayo ng mga  negosyo.

***

MAY dahilan naman pala kung bakit nag-effort si Vin Abrenica na balikan ang kasintahan na si Sophie Albert.

Nakabalandra sa Instagram account ng young actress ang ilang pamatay na sexy photos niya.

Ang mga larawan ay kuha sa bakasyon nila ni Vin sa Bali Indonesia.

Nakakapaglaway ang kaseksihan ni Sophie na tanging si Vin lamang ang masuwerteng nakakahawak .

Si Sophie  ay produkto ng TV5 na  lumipat sa GMA 7. Kasali siya ngayon sa cast ng “The One That Got Away”.

Ara game buntisin ni Mayor

WILLING si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na buntisin ulit ang ex-girflriend na si Ara Mina.

Kung mapaninindigan daw ni Ara ang sinabi niya sa mga unang interview na kung magkakaroon siya ng second baby, gusto niya uli kay Mayor Patrick.

Walang alinlangang tinanggap ni Mayor Meneses ang statement ni Ara nang makatsikahan namin siya sa presscon ng pelikulang “The Significant Other”. Ito’y pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Tom Rodriguez at Lovi Poe sa under CineKo Productions.

Isa sa mga producers ng Cineko ay si Mayor Meneses.

Sa interview namin nung nakaraang taon kay Ara, nangangarap itong magkaroon ng isa pang anak habang may kakayahan pa siyang magbuntis.

Ang problema nga lang, wala siyang boyfriend at ayaw naman niyang maghanap ng babymaker.

Tutal naman, tatay ng anak niyang si Mandy si Mayor Meneses kaya gusto niya dito uli manggaling ang second baby niya.

Maganda ang samahan nina Ara at Mayor.

Nahihiram naman ni Patrick ang anak at wala silang problema ni Ara pagdating sa visiting rights ng bata.

Wala pang kasintahan ngayon si Mayor Patrick dahil gusto niyang mag-concentrate sa negosyo at politika.

Tikom din ang bibig niya sa tanong kung magkakabalikan pa ba sila ni Ara.  Ang sabi nya lang walang imposible sa mundong ito.