Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ilonggo piyesta sa pagkapanalo ni Rabiya

0 129

Piyesta ngayon at labis na natuwa ang mga tubong Iloilo matapos na masungkit ng kandidata nilang si Rabiya Mateo ang korona ng Miss Universe Philippines (MUP) 2020 kahapon ng umaga.

Maging ang alkaldeng si Jerry Treñas ay pinagmalaki ang pagkakapanalo ng dalaga.

“The Ilonggo community is truly proud of her achievement. She is an epitome that Iloilo City can truly level-up and rise above challenges during these times,” papuri ni Mayor Treñas sa kanilang manok.

Sa official statement city government sa kanilang website ay proud na sinabi ng punung-bayan na si Rabiya ay “indeed a phenomenal woman with heartfelt beauty”.

Nagmarka ang kanilang kandidata sa sagot nito sa final question and answer portion na “where do pageants stand in this time of crisis.”

Malaman itong sinagot ng Miss U PH na “As of the moment, I want to help my community. I want to use my strength to make an impact. And that is the essence of beauty pageants; it gives us the power to make a difference,” bagay na sinabi ng mayor na hindi lang ang angkin nitong kagandahan ang taglay kundi silbi ring pag-asa at simbolo ng liwanag sa aandap-andap ngayong sitwasyon. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.