Abante Tonite Interactive

Ilusyon ng female personality sinopla

By
573

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Nang magbalik pala sa bansa ang isang female personality ay gusto niyang gumawa ng serye.

Napapanood daw kasi niya sa ibang bansa ang mga palabas ng isang mala­king network.

Dahil du’n ay gusto niyang makagawa rin ng seryeng panonoorin niya habang nagtatrabaho siya sa bansang kinaroroonan niya. Pero sablay ang kanyang pangarap.

Kuwento ng aming source, “E, napakalaki ng hinihingi niyang talent fee! Parang TF na ‘yun ng mismong bida ng serye, samantalang additional cast lang naman siya. Pangsahog lang siya. Puwedeng tumayo ang serye kahit wala ang role niya!

“At meron pa siyang hinihingi. Kailangan niya raw ng service. Wala na raw siyang car dito, ibinenta na raw nila ng husband niya nu’ng magdesisyon silang sa ibang bansa na manirahan.

“Kailangan daw niya ng van, maliit daw ang kotse lang, dahil kapag nagte-taping daw siya, e, marami siyang dala-dala sa set. Meron daw siyang lutuan, kasi nga, siya ang nagpe-prepare ng food niya.

“May juicer din daw siyang bitbit dahil health conscious siya, marami rin daw siyang dinada­lang outfit, para ang mismong production na ang pumili ng isusuot niya sa eksena!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sinoplak ang female personality. Sa una pa lang ay sinabi na sa kanya ng produksiyon kung magkano lang ang budget nila para sa nagmamagaling na female personality.

Patuloy ng aming source, “Aba, ang female personality, kumuda pa nang kumuda! Panggastos lang daw niya sa parlor ang offer na TF sa kanya! Ano kaya ang akala niya sa sarili niya, sikat na siya at star na talaga?

“Ang ending? Bumalik siyang luhaan sa bansang pinili niya. At ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon? Ang makialam at makisawsaw nang makisawsaw sa mga nangyayari dito sa atin!

“OMGEEEEEE!!!!” tumitiling pagtatapos ng a­ming source.

Regine OA sa ‘It’s Showtime’

Isang text message ang tinanggap namin nu’ng Lunes nang tanghali. Manood daw kami ng It’s Showtime. Guest daw si Regine Velasquez. Umo-OA na naman daw ang Asia’s Songbird na may paiyak-iyak pa.

Sa imbitasyon sa amin na manood ay humihingi ng opinyon ang nag-text. Puwedeng sang-ayunan namin ang kanyang opinyon na OA ang reaksiyon ni Regine, puwede rin kaming magbigay ng sarili naming opinyon sa pinanonood naming programa, libre ang pago-opinyon kapag ganu’n.

Napanood namin nang buo ang guesting ni Regine sa noontime show ng ABS-CBN. Natutukan namin ang kanyang pagkanta na minahal ng sambayanang Pinoy.

Hindi siya OA. Isang natural na reaksiyon lang ang nakita namin mula sa isang personalidad na lumipat sa bago niyang kuwadra. Dala ‘yun ng saya dahil maganda ang pagtanggap sa kanya sa It’s Showtime.

Ang ganu’ng pagluha, para sa amin, ay hindi pagiging OA. Pagpapahalaga ‘yun sa mga artistang dinatnan niya sa ABS-CBN. Hindi OA ang ganu’n.

Pinalitan ni Regine ang ilang letra ng kanyang kanta, nilagyan niya ng ‘kapamilya,’ pero ang tala­gang pinalakpakan ng studio audience ay nang sabihin niya ang terminong ‘habambuhay.’

Ibig sabihi’y panghabambuhay na siyang magse­serbisyo sa ABS-CBN. At kalayaan niyang sabihin ‘yun dahil siya ang may katawan. Siya rin ang lumipat at hindi naman tayo.

Kung anuman ang maging resulta ng kanyang paglipat sa Dos mula sa Siyete ay buhay niya ‘yun, karera niya, kaya siya lang ang mananagot.