Abante Tonite Interactive

I’m coming home

410

julius-segoviaMatapos ang halos dalawang dekada, muli akong magbabalik-eskuwela.

Taong 2000 nang nagtapos ako ng highschool sa Saint Augustine School sa Tanza, Cavite. Muling tatapak ang aking mga paa sa paaralang nagsilbi ring pangalawang ta­hanan para sa mga gaya kong Agustino. Golden year ng SAS ngayon.

Taong 1969 nang itatag ni Msgr. Fransisco Domingo ang kauna-unahang private-catholic school sa makasaysayang bayan ng Tanza. Ipinangalan ito kay ‘Tata Usteng’, ang mapaghimalang patron ng bayan.

Fast forward to 2019 – marami ang nabago sa istruktura, disenyo at hitsura ng paaralan.

Nabago na rin ang hanay ng mga guro. Marami ang umalis at nag-alsa-balutan, May ilan na ring namaalam at pumanaw.
Pero hindi kailanman mabubura sa aming puso’t isip ang mga aral na aming natutunan. Isa na rito ang tanyag na linya ni Tata Usteng sa wikang Latin, “Si Possunt cur non Ego” na ang ibig sabihi’y ‘If they can, why can’t I’.
Hanggang ngayon, ang linyang ito pa rin ang pinanghahawakan ko sa buhay.

Marahil, naging susi rin ito kaya ko naabot ang mga pangarap ko sa buhay. Ang nakaka-proud, marami nang produkto ang SAS. Iba-ibang propesyon – may doktor, abogado, nurse, teacher, engineer, architect, negosyante, artista at kung ano-ano pa. Kulang ang espasyo sa co­lumn na ito kung babanggitin ko lahat. It’s about time na kami naman ang magpaabot ng pasasalamat. Sama-sama kaming babalik sa 50th year ng SAS.

Ika ng marami, the best ang high school life. Incomparable. Dito nangyari ang halos lahat ng ‘firsts’ sa buhay mo. Unang crush.

Unang na-experience ang ‘love at first sight’. Unang sagot ng matamis na ‘yes’. Unang girlfriend at boyfriend. Unang busted. Unang heartache. At kung ano-ano pang firsts sa’yo. Masarap talagang sariwain ang high school memo­ries. Walang makakapantay. ‘Di kayang tapatan nang ano pa man.

Sari-saring aktibidad ang nakalinya bilang bahagi ng pagdiriwang ng Grand Alumni Homecoming. May field demo presentation ang bawat baitang. Nagkaroon din ng fun run.

Nag-ala carnival din sa loob ng eskuwelahan dahil sa iba-ibang rides na talaga namang kina­giliwan ng mga estud­yante. Ngayong Sabado, may Alumni Night kung saan magtitipon-tipon ang mga graduate ng SAS.
Wala akong ibang masasabi sa ngayon kundi, SALAMAT SAS!

Ang sa akin lang, matuto tayong tumanaw ng utang na loob. Magpa­salamat kung kinakailangan. Isapuso natin ang winika ni Jose Rizal na, ‘Ang hindi lumingon sa pinangga­lingan, hindi makarara­ting sa paroroonan’.