Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imahe ng Sto. Niño de Pandacan nasunog

0 233

Kinumpirma ng Sto. Niño de Pandacan Parish sa Maynila na nasunog ang may 400 taon nang imahe nito noong Biyernes.

Inanunsyo ito sa idinaos na misa Linggo ng umaga na ginanap sa labas ng nasunog na simbahan.

Nabatid na natagpuan na umano ang bahagi ng damit at bolang hawak ng imahe na nakalagay sa ikalawang palapag ng simbahan.

Una umanong napaulat na nawawala ang imahe at hindi makita sa ikalawang palapag ng simbahan matapos ang naganap na sunog dito.

Samantala, tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ibabangon ang nasunog na Sto. Niño de Pandacan Parish.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.