Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imahen ng santo winasak sa simbahan

0 51

Tumambad sa mga deboto ang wasak at putol na bahagi ng katawan ng mga imahe sa labas ng Parish of St. Padre Pio sa Legazpi City, Albay.

Kabilang sa mga ito ang imahen ng Our Lady of Salvation sa entrance ng parish, na wala nang kanang kamay, gayundin ang sa kasama nitong anghel. Habang ang Our Lady of Salvation ay pinugutan pa umano. Nawala din ng mga daliri ang imahen ni St. Padre Pio.

Sinabi ng kura paroko na si Fr. Bob Bañares, noong nakaraang linggo nila natuklasang sinira ang mga imahen.

SM food to go Banner Ad

Pawang mga bigay umano ang mga sinirang imahen.

“Noong nakita, para akong nanghina. May pagkagalit pero hindi mo naman nakita kung sino ang gumawa,” sinabi ni Bañares.

Inaalam naman ng mga simbahan kung sino ang nasa likod nito. Nagsumbong na rin ito sa barangay at sa pulis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.