Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imbak na gamot ipamigay bago ma-expire

0 110

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamigay ang mga nakaimbak na gamot bago tuluyang mag-expire ang mga ito.

Kasunod na rin ito ng report ng Commission on Audit (COA) na mayroong tinatayang P2.2 bilyong halaga ng mga nakaimbak na gamot ang DOH, ang jba dito ay expired na, ang iba naman at malapit ng mag-expire o kaya naman ay overstock.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iniutos na ng Pangulo ang agarang distribusyon ng mga gamot para hindi masayang at mapakinabangan ng mamamayan.

“Ang mandato po ng Presidente sa DOH, paki-distribute na po para hindi masayang at iyong overstock at slow movin naman ay ilabas na sa warehouses ng magamit ng ating kababayan,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na nakausap niya si DOh Undersecretary Rosario Vergeire at ipinabatid na ang nag-expired na gamot ay nasa P30 million lamang. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.