Abante Tonite Interactive

Imbes laitin manggagawang Pinoy tulungan

251

Sa halip na laitin, dapat tulungan ang mga manggagawang Pinoy.

Ito ang tugon ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa komento ni Special envoy to China Ramon Tulfo na tamad at makupad ang mga Pinoy construction worker.

“Ang gusto sana na­ting reaksyon ng Malacañang sa usa­ping ito ay kung paano masolusyunan ang problema at hindi kung paano ipagtanggol ang pahayag ni Mr. Tulfo. Talaga namang lantaran ang pagkiling ng administrasyon sa interes ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino,” komento ni Alejano.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Alejano, ang pahayag ni Tulfo ay nagpapatunay lamang kung gaano ito kalayo sa masaklap na reyalidad na kinakaharap ng mga manggagawang Pinoy.

“Imbes na laiitin, ay dapat tulungan ang ating mga manggagawa na hasain ang kanilang kakayahan at mati­gil ang hindi makatarungang pagtrato sa kanila,” giit ni Alejano.

Tatlong taon na aniya ang nakalipas at ang pangako sa mga OFW na may daratnang trabaho pag-uwi ay nanatiling pangako lamang.