Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imbes na durugin: Oligarko namamayagpag kay Duterte – Gabriela

0 249

RP

Binutata ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya umanong winakasan ang oligarko sa Pilipinas.

Ayon kay Brosas, hindi naman nawasak ang oligarko, bagkus ay mas umusbong pa umano sa panunungkulan ni Duterte.

“Kaugnay sa ABS-CBN, hindi totoo na tagumpay na binuwag ni Duterte ang oligarkiya dahil sa katunayan, namamayagpag sila sa ilalim ng kanyang administration,” giit ni Brosas.

“Record-high ang bilang ng Filipino oligarchs, ayon sa listahan ng Forbes’ top billionaires,” aniya pa, na noong 2019 ay 17 umano ang oligarch sa bansa.

Paniniwala naman ni ACT Teachers Rep. France Castro, sa pagpapasara ng ABS-CBN ay posibleng gagawa lang umano ng bagong oligarko ang Pangulo.

Matatandaan na inihayag ng Pangulo na masaya siya na nakapag-dismantle ng oligarko ng hindi nagpapatupad ng martial law, matapos hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.