Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imbestigasyon ng Senado ‘wag pakialaman

0 130

Dapat ay hayaan lang ang Senate Blue ribbon committee sa pag iimbestiga na may kinalamang sa umano’y anomalya o katiwalian sa pagbili ng medical supplies kaugnay sa covid response ng gobyerno.

Makalabuting malaman ng publiko kung totoo ngang nagkaroon ng anumalya dahil ang pinag uusapan dito ay ang pondo ng taumbayan.

Tinatayang nasa P8.7 Billion ang halaga ng kontrata ang napaulat na naibigay ng Procurement Service Ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa kompanyang dayuhan na Pharmally Pharmaceutical Corporation na ang kapital ay umaabot lang sa P625,000 .

Anuman ang motibo ng mga Senador kung ito ay in aid of legislation o 2022 elections pero ang pinaka mainam dito ay mabatid kung ano ba talaga nangyari sa bilihang ito.

Matalino naman ang mga Pilipino na kapag pulitika na ang lumulutang na motibo dito ay tiyak na mananagot sa eleksiyon ang mga kandidato.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa panig ng House of Representatives ay makalabuting huwag na silang makialam sa imbestigasyon ng senado dahil magkakapantay lang naman ang kanilang mga kalagagayan sa gobyerno bilang mga halal ng opisyal.

May sariling imbestigasyon naman ang House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa isyu ng pagbili ng medical supplies sa Pharmally.

Ang taumbayan na rin ang hahatol at susuri kung sino ang dapat na paniwalaan sa resulta ng imbestigasyon ng mga Senador o ng mga Kongresista.

Sa panig ng Malacanang ay hayaan na rin ang trabaho ng Senado dahil kung lilitaw na pamumulitika at may pansariling interest o motibo ang mga Senador ay mananagot sila sa taumbayan.

Pero sa panig ng taumbayan ay dapat na maging mapagmasid at magbantay sa usaping ito dahil bilyong piso na kontrata ang sangkot sa gitna na kakapusan ng pono ng bayan na dapat ay masinop ang pag gastos ng pondo ng gobyerno lalo nat lubog sa utang ang Pilipinas na babayaran ng lahat ng mga Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.