Abante Tonite Interactive

Imbestigasyon sa Phisgoc trabaho ng Ombudsman – Palasyo

148

Tungkulin ng Office of the Ombudsman na im­bestigahan ang mga katiwalian kahit na walang nagsampa ng reklamo hinggil dito.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ihayag ni Ombudsman Samuel Martires na bumuo ang kanyang tanggapan ng isang panel na magsasagawa ng fact-finding investigation para malaman kung paanong ginamit ang P6 bilyong pondo na inilaan para sa pagho-host ng SEA Games na hi­nawakan ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

“It can investigate motu proprio any complaint on irregularities, even without a complai­nant complaining before it,” sabi ni Panelo.

Una nang nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga kapalpakan ng Phisgoc na naranasan ng mga dumating na atleta mula sa ibang bansa bago pa man opisyal na binuksan ang 30th SEA Games (Prince Golez)