Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imbestigasyon sa pulis na pumatay ng lola mamadaliin – IAS

0 246

Sinabi kahapon ni Philippine National Police-Internal Affairs Service (IAS) Chief Atty. Alfegar Triambulo na inaasahan nilang matatapos sa loob ng 20 araw ang imbestigasyon sa kaso ng pamamaril ng isang pulis sa isang lola sa North Fairview, Quezon City.

Magugunitang nakunan sa video ang pagsabunot at malapitang pagbaril ng suspek na si P/MSgt. Hensie Zinampan sa 52-anyos na biktimang si Lilibeth Valdez noong Lunes ng gabi sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview.

“Expecting [na] matapos ng IAS [ang pagsisiyasat] after 20 days,” ani Triambulo sa mga reporter.

SM food to go Banner Ad

Nagsampa na rin kahapon ng kasong murder ang Quezon City Police District laban kay Zinampan sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Samantala, giniit ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na iilan lang umano ang mga pulis na bugok.

Ginawa ng hepe ang pahayag matapos ulanin ang kapulisan ng mga kritisismo kung saan kinukuwestiyon ang integridad ng organisasyon dahil sa sunod-sunod na mga krimen na sangkot ang mga pulis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.