Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imee hiniritan utol ng `Pinklawan’ sa gabinete

0 109

Ibinunyag ni Senador Imee Marcos nitong Sabado na nirekomenda niya ang ilang `pinklawan’ para maging miyembro ng gabinete ng kanyang kapatid na si President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Ang ‘pinklawan’ ay pinagsamang pink at dilaw. Nabuto ito nang gawing pink ni Vice President Leni Robredo ang kulay ng kanyang kampanya nitong eleksyon. Si Robredo ay parte ng Liberal Party na kilala naman sa kulay na dilaw.

Sabi ni Imee, kailangan ang ilang pinklawan sa magiging gabinete ni ng kanyang kapatid upang maisakatuparan ang pangako nitong unity o pagkakaisa.

“Ngayon, lahat kami todo submit ng pangalan para maipasok at marami sa mga nire-recommend ko sinasabi `yong dilawan, pinklawan,” sabi ni Imee sa panayam ng DWIZ.

Subalit hindi naman pinangalanan ng senador kung sino ang mga pinklawan na kanyang inirekomenda para maging parte ng gabinete.

Ibinida rin ni Imee na marami sa mga miyembro na ng gabinete ni Marcos Jr. ang hindi naman nito kaalyado.

“Sa totoo lang, ang technocrat wala yata sa katawan, wala sa dugo ang politika, Marami sa kanila walang kulay na politika. Yung iba sabihin na natin na hindi kakampi noon, eh wala naman masama i-recruit kung talagang magaling,” wika ng mambabatas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.