Abante Tonite Interactive

Imee ipokrita — Trillanes

927

Binuweltahan ni Senador Antonio Trillanes IV at sinabing isang malaking kaipokritohan ang planong pagbababendisyon ni Senator-elect Imee Marcos sa kanyang iiwanang opisina na siyang ookupahin ng senadora sa pormal na panunungkulan nito sa Senado sa Hulyo.

“If the religious ritual is meant to help her fulfill her mandate as a newly elected Senator, then that’s a good thing,” sabi ni Trillanes.

Plano kase ni Marcos na pabendisyunan at pasayawan sa mga Igorot ang kanyang bagong opisina sa Senado .

“Subalit, But if she’s saying it to insinuate na masama akong tao (that I am a bad man), then sobrang ka impokritohan naman yun (that’s too much of a hypocrisy), even for a Marcos,” dagdag ng outgoing senator.

Magugunita na kahapon matapos na sumalang sa orientation para sa mga bagong halal na senador, kanya-kanyang bisita na rin sa kanilang mga magiging opisina ang mga newbie senator na sina Marcos, kasama sina Senators-elect Bong Go, Ronald “Bato” dela Rosa at Francis Tolentino.

Sa pamamagitan ng raffle isinagawa ang pagpili ng mga opisina at huling nabunot ni Marcos ang kay Trillanes. Nagpakita ito nang pagkadismaya sabay sabi na magpapatawag siya ang mga Igorot sa kanilang lalawigan para magsagawa ng ritwal sa kanyang bagong opisina.

“Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot namin dahil kailangan basbasan ang office ko dahil kay Senator Trillanes ang nabunot…So kung papayag si Sen. Trillanes, sasabihin ko kay Sonny makikisayaw kami sa mga Igorot namin para mabendisyunan ng todo,” saad ni Marcos.

Agad namang kumambyo ang bagong senadora at sinabing nagbibiro lamang siya.

Pinayuhan naman ni Go si Imee na magtawag ng pari at pabendisyunan ang tanggapan para mataboy ang mga masasamang espiritu.

Kaugnay nito, napunta kay Go ang iiwanang tanggapan ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan habang kay Dela Rosa ang extension office ni Senate Majority Leader Migz Zubiri at kay Tolentino ang opisina ni Senador JV Ejercito.

Samantala, tumanggi si Go na ipa-feng shui ang kanyang bagong opisina.
“Gaya ng sabi ko ayoko na po gumastos, para ayusin ang kwarto, marami nag-offer na iinterior design ang opisina, the simpliest lang po sa isang mambabatas na makapagtrabaho,” giit ni Go.

Pag-aaralan naman muna ni Tolentino ang kanyang tanggapan bago magsagawa ng anumang pagbabago.

Masaya naman ni Dela Rosa sa positive energy ng kayang magiging tanggapan na dating kay Zubiri

“Maganda, positive sa akin ang dating. Maganda ang buhay ko dito,” sabi nito.(Dang Samson Garcia)