Abante Tonite Interactive

Imee Marcos maraming tagong yaman – Floirendo

0 474

Hindi ikakampanya ni Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio ‘Tony Boy’ Floirendo, Jr. si administration senatorial bet at incumbent Ilocos Norte Gov. Imee Marcos dahil sa mga tagong yaman nito.

Ipinahayag ito ni Floirendo sa ambush interview sa kanya sa proclaimation rally ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Tagum City, Davao del Norte.

Sabi ni Floirendo, hindi niya masisiguro ang 12-0 na panalo ng mga senatorial bet ng HNP dahil maging siya ay hindi lahat iboboto ang mga kandidato ng partido.

“Dapat (straight), ‘di ba? Sila, ‘di siguro kasi ako hindi rin magtu-twelve zero ‘di ba,” ayon kay Floirendo.

Nang tanungin kung kanyang sinusuportahan ang kandidatura ni Marcos, ibinunyag ni Floirendo na gusto pa umano nito na pondohan niya ang kampanya ni Marcos sa Davao region sa kabila ng marami itong tagong yaman.

“Hindi (ko siya dala). Sana, kaso gusto niya akong gumastos eh ‘wag na. Dami-daming hidden wealth niyan, ‘wag na. Dami-daming hidden wealth,” pahayag pa ni Floirendo.

Ang ama ni Floirendo na si Antonio Sr. ay isa sa mga malalapit na kaibigan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. (JC Cahinhinan)