Abante Tonite Interactive

Imee napagod sa ‘Ang Probinsyano’

By
2,401

tonite-pak-allan-dionesNatawa kami sa dayalog ni Governor Imee Marcos na napagod na siya sa panonood ng Kapamilya teleserye na ‘Ang Probinsyano’.

Sa tagal daw kasi nito ay nahapo na siya. Pero rave na rave niya ang nagtapos nang ‘Bagani’ dahil ayon sa kanya ay para itong love letter to Ilocos.

Doon kasi sa lugar nila sa Ilocos Norte nag-location shoot ang ‘Bagani’ na kapag napapanood nila sa TV ang kanilang magandang probinsiya ay fee­ling proud silang mga Ilocano.

Sayang at hindi raw niya nakita in person ang LizQuen loveteam dahil hindi sila magtagpo at lagi siyang wala ‘pag nagti-taping ang mga ito sa Suba sa Paoay Sand Dunes.

Nakiusap pala sina Gov. Imee sa mga taga-ABS-CBN na iwanan na roon ang itinayong set ng ‘Bagani’ at iniwan naman. So, may ‘Bagani’ tour na sila roon ngayon na part ng kanilang film tourism.

Doon din kasi sa sand dunes nag-shooting ang ‘Panday’ movies noon ni FPJ, ang ‘Temptation Island’ original at remake, pati na ang ‘Himala’ ni Nora Aunor, kaya makikita roon ang iconic na puno na tinayuan ng nakaluhod na rebulto ni Ate Guy.

‘Teleserye capital of the universe’ ang tawag ni Ms. Imee sa Ilocos dahil bukod sa ‘Bagani’ ay doon din nag-shoot ang ‘Araw-Gabi’ at iba pang mga programa.

Libre raw kasi ang mag-shoot doon o kaya ay sila ang naghahanap ng lugar para huwag tagain ‘yung magsu-shoot.

Hindi raw nakakapanood ng sine si Ms. Imee. Puro Netflix lang dahil lagi siyang nagbibiyahe. Pero alam niya na big hit ang ‘The Hows of Us’ movie ng KathNiel.

Tinanong namin si Gov. Imee kung napanood ba niya ang big hit din na ‘Crazy Rich Asians’. Ang sagot niya sa amin ay nabasa niya ang book and it’s hilarious.

“I haven’t seen the movie, but I think it’s a real game changer. At least, pasok na ang Southeast Asians sa Hollywood.

“It’s a major market at ang pinahuli yata, ‘Joy Luck Club’. Eh pero mga Chinese naman ‘yon. Ito talaga, tayo, medyo brown. Tuwang-tuwa ako, it’s a real game changer.”

May plano ba siyang panoorin ang ‘CRA’ sa sinehan?

“Yeah, if I have time. Probably just wait on Netflix. Nabasa ko ‘yung libro at nakakaaliw.”

Narinig niya rin ba na may cameo sa movie si Kris Aquino?

“Oo naman, oo naman. Thank you,” natatawa niyang sagot.

Ang akala kasi namin ay napanood na niya ang pelikula?

“No, I haven’t seen it, eh. It’s all fully-booked, ‘di ba? Ang dami-daming pila. I think sina Bongbong, nanood,” pakli ni Gov. Imee, na ang sabi sa amin ay matagal na siyang walang lovelife kaya meron silang ‘samahan ng mga tigang’.

Dahil na-stuck na ang kapatid niyang si Bongbong Marcos sa election protest nito na wala pa ring desisyon, napag-usapan daw ng pamilya Marcos na si Gov. Imee ang patakbuhin next year sa pagka-senador.

Bea pinag-aagawan ng dalawang Kapuso hunk

Marami palang Kapuso viewer ang naiinggit kay Bea Binene dahil pinag-aagawan siya ng dalawang hunks sa Kapuso morning serye na ‘Kapag Nahati ang Puso’.

Sina Benjamin Alves at David Licauco ang dalawang lalaki sa buhay ng karakter ni Bea na si Claire.

Madalas pansinin ng viewers ang hunkylicious body nina Benjamin at David, na ang sikreto raw ng dalawa ay disiplina at time management kahit busy sila sa taping ng ‘KNP’.

Sey nina Ben at David, there’s no room for excuses kapag pursigido kang maging fit.

Bukod sa mga pa-yummy-han na eksena ng dalawang Kapuso hunks, inaabangan kung sino sa kanila ang pipiliin ng bidang si Bea sa namamayagpag sa ratings na ‘Kapag Nahati ang Puso’ sa GMA bago mag-‘Eat Bulaga’.