Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imee sinulsulan mga abogado na labanan ICC

0 83

Nanawagan si Senador Imee Marcos sa mga abogado sa bansa na palagan ang anumang hakbang ng International Criminal Court (ICC) na hawakan ang mga kaso ng umano’y pag-abuso sa karapatang pantao kaugnay ng giyera kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.

“Foreign meddling in the Duterte case is not far-fetched,” sabi ng senador.

Malaking insult aniya sa bawat Pilipinong abogado, hukom at korte kapag nanghimasok ang ICC sa proseso ng judicial system ng bansa kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa kampanya laban sa droga.

Sabi ni Marcos, walang kamuwang-muwang ang mga Pinoy sa paniniwalang walang bahid ng korapsyon ang ICC.

“Kung magdedesisyon ang ICC na imbestigahan si Pangulong Duterte, magiging bantad ito sa pamumulitika ng iba’t ibang bansa,” ani Marcos.

“Ang korte [ICC] ay binuhusan ng malaking pondo ng mga bansa sa Europa sa mga panahong ito’y kapos, dahilan para maging dehado ang mga bansang mahihirap at hindi gaanong makapangyarihan,” ayon sa senador.

Ibinase ni Marcos ang kanyang pahayag sa pagtukoy sa Washington-based think tank American Enterprise Institute for Public Policy Research (AEI) sa mga pangunahing nagpopondo sa ICC na kinabibilangan ng United Kingdom, France, Italy, Spain, Croatia, Japan, Mexico at Australia.

Binanggit din ng mambabatas AEI na maaari ring i-pressure o dikdikin ng Estados Unidos ang mga bansa kung saan mayroon silang pinoprotektahang interes sa kabila ng hindi ito bahagi ng Rome Statute na nagtatag ng ICC.

“Nakakapukaw ng interes na bago magretiro nitong nakaraang linggo, itinulak ni dating Chief Prosecutor (Fatou) Bensouda na imbestigahan si Pangulong Duterte sa kasagsagan ng pag-aanunsyo nitong palalawigin pa ang suspensyon ng Visiting Forces Agreement (VFA),” diin ni Marcos.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.