Abante Tonite Interactive

IMEG bubulabugin ang mga pasaway na pulis

263

By Vick Aquino

Nagsimula nang mambulabog ng mga pasaway na pulis ang bagong talagang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Ang IMEG ay kapalit ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) na naglalayong habulin, hagilapin at kasuhan ang mga mga pulis na nasasangkot sa mga ilegal na gawain tulad ng drug trafficking, human trafficking, financial crimes, cybercrime, graft at corrupt practices act at iba pang ilegal na gawain.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng intelligence build-up at mapalalakas ang kampanya kontra sa mga tiwali at abusadong pulis sa ilalim ng binuong internal cleansing ng Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ang pagbuo ng IMEG na kung saan ay itinalaga nila si Police Col. Romeo Caramat na hahawak nito.

Bubuuin ng 55 na opisyal at 251 police non-commissioner officers ang IMEG at patuloy silang tatanggap ng suporta sa isang 72-man company ng PNP Special Action Force para magbigay ng tactical support.

Nabatid na ang mga tauhan ng IMEG ay pumasa sa matinding background investigation at screening process kasama ang ang neuro-psychiatric examination at nagtapos ng intelligence course.