Abante Tonite Interactive

Imelda pinagpiyansa; Castro, Ocampo dinidikdik

By
298

Sobrang nakadidismaya ayon kay Makabayan chairman Neri Colmenares ang justice system sa bansa.

Ang mga nahahatulan ani­ya gaya ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ay pinapayagang makapagpiyansa at makalaya habang ang mga human rights defender naman na katulad nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ay dinedetine at sinasampahan ng mga gawa-gawang kaso.

“The PNP should have instead filed charges the (paramilitary group) Alamara and the AFP (Armed Forces of the Philippines) for forcible closure of 78 Lumad schools, the padlocking of Salugpongan schools, harassment of students and teachers, assault, damage to property and grave threats as well as other cases,” pahayag ni Colmenares.

Abante Hiring – IT dep

Batay sa mga ulat, habang nakatigil sa isang military road block nitong Nobyembre 28 ng gabi ay pinerwisyo ng mga hinihinalang galamay ng paramilitary group na Alamara ang solidarity mission convoy kung saan kabilang sina Rep. Castro at Ocampo.

“In fact, the solidarity mission was conducted to give support to students and teachers of lumad schools in Talaingod, who have been the target of harassment by military and paramilitary forces for weeks. The Alamara and the AFP had already forcibly shut down 78 Lumad schools already,” ayon kay Colmenares.

Nakakalungkot aniya na hindi umano tinutulungan ng gobyerno ang mga lumad na makapag-aral. Pero kapag may tumutulong naman at nagpapaabot ng suporta sa mga lumad ay ginigipit ang mga ito.