Abante Tonite Interactive

IMI may abot-kayang ventilator para sa mga COVID patient

0 443

Isang manufacturing company ang nabigyan ng lisensiya para gumawa ng mga abot-kayang ventilator para sa mga pasyenteng nahihirapang huminga dahil sa COVID-19.

Bilang suporta sa panawagan ng gobyerno para mangalap ng mababang halaga ng mga ventilator at iba pang breathing aid solution ay nagsagawa ang Integrated Micro-Electronics, Inc. (IMI), kabalikat ang UK subsidiary Surface Technology International Limited, ng mga serye ng virtual consultative at information-sharing session sa mga medical expert, health practitioner at concerned government agency para manaliksik ng non-invasive alternative ventilatory strategy gamit ang Ventura Continuous Positive Airway Pressure (CPAP) device solution.

Ang CPAP ay isang uri ng ventilator na magbibigay ng banayad na air pressure na patuloy at epektibong susuporta sa mga pasyenteng nahihirapang huminga.

Aprubado ang Ventura CPAP system ng Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency sa United Kingdom.

Kaugnay nito, binigyan na ang IMI ng lisensiya para makagawa ng Ventura CPAP system sa Pilipinas.

Ayon sa report ng University College London Hospital, 60-70% na matagumpay ang paggamit ng Ventura CPAP system para sa mga COVID-19 patient na nangangailangan ng intubation at nakakarekober sila kalaunan.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang IMI sa Institute of Biomedical Engineering and Health Technologies ng DLSU University para sa manufacturing ng mga CPAP ventilator.

Ang IMI ay nagbibigay ng electronics manufacturing service at power semiconductor assembly and test service at may headquarters sa Biñan, Laguna. (IS)

Tonite – Wendys Inhouse Ad