Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Impeach Leonen basura na

0 47

Sa botong 165 pabor, 1 tutol at 1 abstention, pinagtibay na sa plenayo ng Kamara ang House Resolution 2068 na opisyal nang nagbabasura sa inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Justice Mario Victor Leonen.

Kung matatandaan, ibinasura ng House Committee on Justice ang inihaing impeachment complaint laban kay Leonen dahil sa insufficiency in form and substance.

Ang reklamo ay inihain ni Edwin Corde­villa, secretary general ng Filipino League of advocates for good government.

Sa pagdinig ng komite, napatunayan nabigo ang complainant na makapagpresenta ng authentic o tunay na record bilang bahagi ng mga ebidensiya upang suportahan ang mga akusasyon laban kay Leonen. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.