Abante Tonite Interactive

Impeachment vs 7 SC justice isasapinal

255

Tiniyak ng isang House leader na kagyat na aaktuhan para pinal na maibasura ang impeachment complaint laban sa 7 justice ng Supreme Court (SC) sa pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre.

Ayon kay House committee on justice Chairman at Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon, dedesisyunan ng plenaryo ang pagbasura sa reklamo sa pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre 12.

“We will act on it immediately after the resumption of session,” sabi ni Leachon.

Inaasahan aniya na pagtitibayin ng plenaryo ang rekomendasyon ng House pa­nel na ibasura ang reklamo laban sa mga mahistrado ng SC dahil sa kawalan ng sustansya.