Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Imperial sabit sa giyerang Heaven, Kiko, Devon

0 508

NI:ARCHIE LIAO

Pasabog ang post ni Barbie Imperial na palabang naghahamon sa isang Candy sa kanyang Twitter account.

Sey niya: ” I keep my mouth shut kahit marami akong nakita.So, sige, Candy.Make sure to say this at my face when I see you at taping next week.”

Hindi naman siya tinantanan ng mga kate-katera sa kanyang matapang na post.

Pagbabahagi ng isang netizen, ang tinutukoy daw niyang Candy ay PA ni Heaven Peralejo na kasama niya sa teleseryeng Bagong Umaga.

Nagsumbong kaya si Barbie kay Devon Seron sa nakita niya?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit ng ilang intrigera, handa raw ilaglag ng aktres ang co-star para sa friend nitong si Devon na dating kasama niya sa grupong Girltrends noon.

Paki naman ng ilan, huwag na raw itong makisawsaw sa isyu kina Devon at Kiko Estrada lalo na kung hindi ito involved.

May mga nagmimiron pang animo’y may parating na giyera kina Barbie at Heaven.

May nagtatanong ding mapanindigan daw kaya nito ang marami niyang nakita.

Speaking of Heaven, nagbigay na ito ng pahayag na wala siyang kinalaman sa hiwalayan nina Kiko at Devon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.