Abante Tonite Interactive

Import, coach may malasadong relasyon

776

Usap-usapan kamakailan ang isang women’s volleyball team na may ‘di pagkakasundo sa mga import at coach nito.

Sa naganap na laban, makikitang may pagkakailangan ang isa’t isa.
Halos ‘di pinaglaro ng coach ang kanyang dalawang imports sa laban kung saan nagtaka ang mga fan.

Habang patuloy ang game, nag-time out si coach kung saan isa sa mga import nito ang ‘di lumapit sa huddle.

Mapapansin rin na walang gana ang dalawang import habang nasa sidelines lang ng court.

Dagdag pa rito, isa rin sa mga import na ito ang halos magdabog nang ilabas siya sa laban.

Walang makakapagsabi kung ano ang dahilan o pagsisimula ng lamat na ito dahil tahimik rin ang koponan sa isyu tungkol rito. (Abby Janiel Toralba)