Abante Tonite Interactive

Import permit sa bigas hinigpitan

108

Magiging mahigpit na ang Department of Agriculture (DA) sa pag-isyu ng import permit dahil na rin sa pagpasok sa merkado ng malalaking bulto ng bigas galing sa ibang bansa at para matiyak ang kalidad nito.

Sa kanyang pagdalo sa 11th World Rice Conference na ginanap sa Makati-Shangri-La sa Makati City nitong Miyerkoles, sinabi ni Dar na nilagdaan na niya ang guidelines para sa pag-iisyu ng sanitary and pythosanitary import clearance (SPSIC).

“I have signed it yesterday, so this will be implemented imme­diately,” ani Dar.

Nabatid na simula Enero hanggang Oktubre ngayong taon ay lumobo na sa 2.99 mil­yong metriko tonelada ng imported rice ang pumasok sa bansa na mas mataas ng 150% kumpara sa naitala sa nakalipas na 10 taon, ayon kay Dar.

Napansin aniya ang ‘abnormal shoot up’ ng rice import kahit bago pa man pinatupad ang Rice Tariffication Law. (PNA)